Payo sa mga lalake ngayong Valentines Day

Alam niyo ba na karamihan sa mga babae ayaw makatanggap ng flowers?
OO!
Bakit?
Kasi nalalanta lang, at nakakaguilty na itatapon lang namin sila afterwards, tapos alam naming ang mahal mahal pa ng pagbili niyo.
Kaya, kung magbibigay kayo ng flower, sa pot niyo ilagay!

Hindi na malalanta, maalagaan pa ng babae. Symbol pa ng unending love oha.
Seryoso cute na gimmick yan. Wag niyo lang bigyan ng paso na mas malaki pa sa babae.
Kung ayaw niyo naman roses, usually ang binibigay nating mga lalake ay stuff toys.

Ayaw rin ng babae yan. Kasi naman, napagsawaan na nila yan noong bata pa sila, at isa pa, kumukuha lang ng alikabok sa bahay ang stuff toy, at mahirap labhan. Hassle sa mga babae yan.
Kaya maging maingat kung magbibigay ng stuff toy. Kung alam mong gusto talaga iyon ng babae, e di go. Pero kung hindi, alamin kung anong cartoon character man lang ang gusto niya at subukang hanapan ng stuff toy na ganun. Para unique at pinag-isipan at hindi yung tipong bibili ka ng random “cute” stuff toy sa Blue Magic (eeeeewww!)
Madalas rin na nagbibigay ng chocolates ang mga lalake.

Bago magbigay ng chocolates, isipin kung figure conscious ang babae, o di kaya ay kung mabilis tumaba. Baka maguilty lang siya kapag kinain niya yun. Mas malala kung ipapakain lang niya sa best friend niya yun dahil ayaw niya talaga kainin.
Ngunit sa huli, higit na maganda kung susubukan mong maging unique. Haranahin mo (hindi na yun uso gawin un) o kaya sayawan mo o kaya ipagluto mo ng paborito niyang pagkain. Mas unique, mas benta, at mas mararamdaman niya na talagang nag-effort ka para mapasaya siya.
*Sa mga babae na sang-ayon dito, i-repost.
*Sa mga lalakeng natauhan dahil dito, GAWIN at i-repost.
— Mula kay Manong Graciano Sa Dampa (MGSD)